Kami, ang mamamayan, ay naniniwala’t naninindigan na dapat papanagutin ang sinumang nang-abuso sa kapangyarihan at kaban ng bayan.
Ang ginawang paglustay ni Vice President Sara Duterte sa kaban ng bayan ay malinaw na malaking kasalanan sa taumbayan, bagay na dapat niyang panagutan.
Hindi sa susunod na buwan.
Lalong hindi sa Hulyo.
Kundi ngayon na!
ANG PITONG MAKAMUNDONG KASALANAN NG MGA DUTERTE
PAGNANASA SA KAPANGYARIHAN
Ipinagpalit ang soberanya at mga teritoryo ng ating bansa at nagsilbing tuta ng China. Nanahimik habang unti-unting inaagaw ng China ang West Philippine Sea.
Siniraan at ginipit ng dating Pangulong Duterte ang mga sumasalungat sa kanila. Gamit ang red-tagging at ang batas, tinakot, pinakulong at pinatahimik niya ang mga kritiko ng kanyang rehimen.
Walang pakundangan nilang nilustay ang pera ng taumbayan. Gaya ni Vice President Sara Duterte na ginasta ang P125 milyon sa loob lang ng labing-isang araw, habang sangkot naman ang kanyang ama sa bilyon-bilyong pisong Pharmally scam na nangyari noong panahon ng pandemya.
Katawan sa kapangyarihan ang nagtulak sa kanila na gawing personal na kaharian ang Davao. Ginawa nilang personal na bank account ang kaban ng mga taga-Davao sa pamamagitan ng daang-milyong halaga ng confidential at intelligence fund na hindi alam kung saan napunta.
Sa halip na paglingkuran ang bayan, gumamit sila ng dahas at pananakot upang mapasunod ang lahat sa kanilang nais. Ginamit nila ang drugs watchlist para maghasik ng takot at pinakulong ang mga kritiko na lumalaban sa kanilang mga maling gawain.
Napabayaan nang husto ang kalusugan, edukasyon, kabuhayan ng bansa at kapakanan ng mga Pilipino. Sa panahon ni Duterte bilang pangulo at ni Sara bilang DepEd Secretary, muling tumaas ang backlog sa mga silid-aralan at bumagsak ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Libu-libo katao naman ang naging biktima ng extrajudicial killings dahil sa GALIT na itinanim ng mga Duterte sa ating lipunan. Ito rin ang nagtulak kay VP Sara para pagbantaan ang Pangulo, First Lady at House Speaker na ipapapatay kapag may nangyari daw sa kanya.
Papanagutin si VP Sara sa kanyang mga kasalanan sa bayan at tuldukan na ang anumang tangka nilang makabalik sa kapangyarihan upang hindi na maulit ang madilim na bahagi sa ating kasaysayan sa ilalim ng kanyang ama.
Sama-sama nating isulong ang impeachment at paghatol kay VP Sara maisalba ang ating bansa sa sumpang dulot ng pamilyang ito.